Ikalawang araw ng pamamahagi ng fertilizer discount vouchers

1,419 magsasakang Calapeño ang nakatanggap ng Fertilizer Discount Vouchers sa ikalawang araw

ng distribusyon na ginanap sa Barangay Canubing II, Malamig, at Malad nitong ika-17 ng Enero.

Sa araw na ito, nabiyayaan ang mga magsasaka mula Barangay Canubing I, Canubing II, Patas, Personas, Sta. Rita, Balingayan, Malamig, Comunal, Malad, Bayanan II, at Biga na kabilang sa Masagana Program.

Nagkakahalagang PHP 4,000 kada ektarya ang naturang voucher na maaaring ipambili ng anumang abono sa accredited merchants ng Department of Agriculture.

Ang pamamahagi nito ay pinasinayaan ng City Agricultural Services Department na pinangungunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo. Dumalo naman bilang kinatawan ng Punong-Lungsod ang kaniyang Chief of Staff na si Mr. Joseph Umali, at si Mr. Gil Jayson Nava ng Department of Agriculture.