Hindi natitinag sa Top 10 ang petMALOUng Alkalde ng lungsod ng Calapan!

Masayang ibinalita kay Mayor Morillo ng kanyang mga kapwa City Mayor sa 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 na siya’y kabilang muli sa kinilalang 𝗧𝗼𝗽 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 sa buong rehiyon 4A/4B.

Inilabas kahapon, September 1, 2023, ng 𝗥𝗣- 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗜𝗻𝗰. (𝗥𝗣𝗠𝗗) ang pinaka-latest survey nito para sa buwan ng June – July taong kasalukuyan. Dito’y kabilang nga si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at nasungkit ang ika-apat (𝑻𝒐𝒑 4) na puwesto.

Sa kabila ng mga batikos, isyu, at fake news na araw-araw kinahaharap ni Mayor Morillo, ay nananatili pa rin ang kanyang pagmamalasakit at pagpapatuloy ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 para sa mga Calapeño. Hindi nagpapatinag ang kauna-unahang babaeng city mayor ng Calapan — maigting pa rin ang kanyang adhikain para sa mas progresibong lungsod at pagganap bilang Ina ng mga Calapeño.

Nagpapasalamat naman si Mayor Morillo sa lahat ng bumubuo ng RPMD at dahil aniya sa mga pagkilalang gaya nito ay mas pinagbubuti niya ang kanyang pagseserbisyo.

Kanya ring binabati ang mga kapwa niya Punong Lungsod sa region 4A/4B na napabilang sa Top 10.

Congratulations, Mayor Malou Flores-Morillo!