Governor’s Cup: 25U Intertown basketball league

Ipinakilala ng City Youth and Sports Development Department, sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, sa Pamahalaang Lungsod ang mga pambato ng Lungsod ng Calapan para sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝘂𝗽: 25𝑼 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒕𝒐𝒘𝒏 𝑩𝒂𝒔𝒌𝒆𝒕𝒃𝒂𝒍𝒍 𝑳𝒆𝒂𝒈𝒖𝒆 nitong ika-11 ng Setyembre matapos ang regular Monday Flag Raising Ceremony.

Sa pamamagitan ng CYSDD, nabuo ang 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗺 na pamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗟 𝗕𝗮𝗹𝗺𝗲𝘀 bilang 𝑻𝒆𝒂𝒎 𝑪𝒂𝒑𝒕𝒂𝒊𝒏 at makakasama naman nila sina 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗥𝗼𝗰𝗶𝗼 — 𝑪𝒐𝒂𝒄𝒉, 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗿𝗲𝗰𝗼 𝗧𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻 — 𝑨𝒔𝒔𝒕. 𝑪𝒐𝒂𝒄𝒉, at 𝗗𝗿. 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗕𝗼𝗹𝗼𝗿 — 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒓. Gayundin, buo ang suporta nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng CYSDD mula sa kanilang paghahanda hanggang matapos ang nasabing liga.

Kaabang-abang ang Governor’s Cup sa taong ito dahil nasa 𝗣𝗛𝗣 𝟭,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬 ang naghihintay na papremyo. Magsisimula naman ang kanilang laban sa Setyembre 16 sa Sentrong Pangkabataan.