Dahil naniniwala tayo bilang inyong Punong Lungsod, na ang pinaka-epektibong tulong na mabibigay natin sa mga kababayan nating nangangailangan ay turuan silang tulungan ang kanilang sarili.
Ang tunay na lider at may malasakit sa kanyang nasasakupan, ay hindi kailangang paulit-ulit na mamigay ng pera bilang pagtulong, sapagka’t ang pera ay panandalian lamang.
Hindi natin lagi maidadaan sa salapi ang totoong kaalwanan, hindi naman natin hinahangad na tayo’y mahalin at kahumalingan ng lahat dahil lamang sa ating mga inaabot na salapi/ayuda. Ang kailangan ng taumbayan ay ang pangmatagalang serbisyo na tatatak at magpapabago sa buhay ng mga Calapeño.
Mas mainam kung sila’y ating mabibigyan nang pagkakataong matulungan ang kanilang sarili. Sa ganoon ay patuloy silang makikinabang sa prutas ng kanilang pagpupunyagi at hindi lang paminsan-minsan kapag aasa lang sila sa pakikiramay ng kapwa.
Tutulungan po kayo ng Pamahalaang Lungsod. TAMAng Kabuhayan ang magpapabuhay sa mga Calapeño.