“𝑷𝒓𝒐𝒑𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒐𝒘𝒂𝒓𝒅𝒔 𝑮𝒍𝒐𝒃𝒂𝒍𝒍𝒚 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑨𝒕𝒉𝒍𝒆𝒕𝒆𝒔”
Opisyal nang binuksan ang 𝗖𝗖𝗔𝗔 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟭𝟴 na isa sa pinakainaabangang kaganapang pampalakasan sa Lungsod ng Calapan na handog ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng City Youth and Sports Development Department, nitong ika-28 ng Oktubre sa Sentrong Pangkabataan Gymnasium.
Bilang host school, talagang pinaghandaan ng 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗺𝗲, 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 – sa pangunguna ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗔𝗿𝗺𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗦. 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇 (𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁/𝗖𝗘𝗢, 𝗦𝗖𝗠𝗕𝗧), ang pagbubukas ng CCAA kung kaya’t naging masaya, masigla, at enggrande ang 𝑶𝒑𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚.
Sama-sama din ang mga sports administrators ng mga paaralan sa pag-iilaw ng tanglaw na hudyat ng pagsisimula at simbolo ng pagkakaisa.
Baon ang determinasyon at dedikasyon, isa-isa ay nagpakilala ang siyam (9) na unibersidad at kolehiyo na magtatagisan sa iba’t ibang isports.Hindi din matatawaran ang suporta ng kanilang mga kamag-aral at mga faculty members na talagang all-out kung all-out sa pagsigaw ng kanilang mga inihandang cheers and yells.
Naging matagumpay ang pagbubukas ng CCAA Season 18 dahil sa inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamahala ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 & 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinangungunahan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.
Nagpakita naman ng suporta si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 bilang kinatawan ni City Mayor Malou Morillo, City Vice Mayor Bim Ignacio, Hon. Noel Cirujano, Hon. Rius Agua, Hon. Jun Cabailo. Hon. Rafael Panaligan, Jr., Hon. Charles Pansoy, at ilang mga Department Heads.
Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng CCAA, inaasahan na mangibabaw hindi lamang ang galing at talento, pati na rin ang sportsmanship at pagkakaisa – na siyang magpapatunay na ang mga atletang Calapeño ay globally competitive.






















































