Gabi ng Pagkilala 2023

Dumalo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa 𝑮𝒂𝒃𝒊 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 2023 na idinaos ng Provincial Government of Oriental Mindoro bilang bahagi ng pagdriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼, ika-22 ng Setyembre sa Calapan City Convention Center.

Sa pangunguna ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor at ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗗𝗿. 𝗗𝗼𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗹𝗱𝗮, binigyang pagkilala ang mga natatanging tourism enterprises, stakeholders, tourism officers, at cultural and artistic workers ng Oriental Mindoro.

Sa Lungsod ng Calapan, nakamit ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗩. 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 ang 𝑮𝒂𝒘𝒂𝒅 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝑺𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝑲𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 2023 sa kategoryang 𝑷𝒆𝒓𝒇𝒐𝒓𝒎𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒕𝒔 bilang isang Folk Dancer.

Samantala, finalist ng 𝑴𝒐𝒔𝒕 𝑶𝒖𝒕𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒀𝒆𝒂𝒓 si Calapan City Tourism, Culture and Arts Officer, 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱.

Napabilang din sa finalists ng 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑺𝒕𝒂𝒌𝒆𝒉𝒐𝒍𝒅𝒆𝒓𝒔 𝑬𝒙𝒄𝒆𝒍𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅 sa kategoryang 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒖𝒏𝒊𝒕𝒚-𝑩𝒂𝒔𝒆𝒅 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑶𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒛𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 ang 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 o 𝗦𝗠𝗔𝗥𝗧𝗧, pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝗶𝗺𝗲 𝗥𝗼𝗻𝗾𝘂𝗶𝗹𝗹𝗼, na ibinida ang kanilang SMARTT Floating Cottages.

Dahil na rin sa nasabing pagtitipon, nakilala ng lahat ang mga masisipag, talentado, at natatanging Mindoreño na tunay na bumubuhay sa kultura, sining, at turismo ng lalawigan. Sila ay mga inspirasyon ng bawat lokal na pamahalaan upang patuloy na itaguyod ang pagpapaunlad ng turismo sa Oriental Mindoro.