Fuel Subsidy Card

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang pamamahagi ng Fuel Subsidy Card na naglalaman ng P3,000.00, para sa 61 magsasaka ng Lungsod ng Calapan, ginanap sa Demo Farm, Barangay Biga, nitong ika-29 ng Hulyo.

Katuwang ng punong-lungsod na nangasiwa sa matagumpay na distribusyon ang pinamumunuan niyang City Agricultural Services Department sa pangunguna ni CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture na sina Engr. Rosseth Julienne Garniel at Engr. Charlie Magsino.