DOST-MIMAROPA & CALFFA MOA SIGNING: SMART & SUSTAINABLE RICE FARMING SOLUTIONS IN CALAPAN CITY

Sinaksihan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA), sa pagitan ng Department of Scienceand Technology (DOST)-MIMAROPA, at Calapan Federation of Farmer’s Association, Inc.(CALFFA), para sa proyektong “Smart and Sustainable Rice Farming Solutions in Calapan City”, ginanap sa City Hall, nitong ika-29 ng Hulyo.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department ay kaagapay sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto sa ilalim ng “Smart Sustainable Community Program (SSCP)” ng DOST-MIMAROPA na may adhikaing makatulong sa pagkamit ng “Smart and Sustainable Green Calapan City”, kung saan ang CALFFA ang benepisyaryo ng nasabing proyekto.
Matagumpay na nalagdaan ang nasabing kasunduan sa pamamagitan ng kinatawan mula sa DOST-Oriental Mindoro na si Mr. Jesse M. Pine (Provincial S&T Director), at CALFFA President, Mr. Joel P. Pentinio, kung saan dumalo rin dito si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico