Nakadaupang palad ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂-𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang mga senior citizen na mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan na tumanggap ng financial incentives bilang tulong at regalo para sa kanilang kaarawan, ginanap sa City Hall nitong ika-30 ng Agosto.
Nasa kabuuang 𝟭𝟵𝟲 na mga senior citizen ang nakatanggap ng naturang regalong ayuda, alinsunod sa 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑵𝒐. 91 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒐𝒇 2021, 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 3., kung saan nakasaad dito na ang mga benepisyaryong senior citizen na may edad 70, 75, 80 ,85, 90, at 95 na taong gulang ay maaaring mag-avail ng tulong pinansyal pagkatapos masunod ang mga itinakdang kondisyon para rito.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng City Government of Calapan, at ni Mayor Morillo sa pamamagitan ng pangangasiwa at pagtutulungan ng pamunuan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗡𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 𝗗. 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴.