Expanded Health Program sa Xevera

KALINGA SA KALUSUGAN NG TAUMBAYAN, BIGAY TODO MULA KAY MAYOR MORILLO!

Patuloy ang pagsisiguro ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo, na lubos na natutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng maraming taumbayan.

Hindi ito maikakaila sa patuloy na pag-arangkada ng Expanded Health Program sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Calapan.

Sa katunayan, ikalawang araw ng Mayo, sa Xevera naman nagpaabot ng tulong medikal ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan nga ng Expanded Health Program.

Kinapalooban ito ng libreng Anti-Pneumonia vaccine, HPV vaccine, Dental Health Services, Health Card services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon, gamot at madami pang iba.

Hindi naman matutumbasan ang dedikasyon ng Expanded Health Program Team na maaga pa lamang ay nagpahatid na ng mga libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga taga Neo Calapan (Xevera). Bukod sa Expanded Health Program Team, naroroon din si Chief of Staff, Mr. Joseph Umali.

Walang kalagyan ng tuwa naman ang ating mga lolo at lola sa libreng pagkalinga at serbisyo na kanilang natamo mula kay Mayor Malou.