DISTRIBUTION OF FERTILIZER DISCOUNT VOUCHER

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pamimigay ng Fertilizer Discount Voucher sa mga magsasaka ng Calapan kahapon,

Hulyo 4, 2024 sa Kalap Hall. Katuwang ni Mayor Morillo sa aktibidad ang City Agricultural Services Department at ang Focal Person na si Engr. Jasper B. Adriatico.
Isang daan at pitumpu’t anim (176) na magsasaka ang nakatanggap ng Discount Voucher na may kabuuang halaga na ₱819,400. Katuwang rin ni Mayor Morillo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka sina dating Konsehala, Ms. Mylene De Jesus at Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns, Mr. Jaypee M. Vega. Ibinahagi rin ni Mayor Morillo ang ilan sa mga programa para sa mga kababayang
naapektuhan ng African Swine Fever (ASF). Para kay Mayor Morillo, nais niyang lubos na maibigay ang pangangailangan ng ating mga magsasaka sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan.