DA-PHILMECH & FA MOA SIGNING: 5 UNIT NG FARM MACHINERIES, KALOOB SA CALAPAN

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na binigyang daan nitong ika-9 ng Hulyo ang Memorandum of

Agreement signing sa pagitan ng Department of Agriculture-PhilMech, at apat na Barangay Farmers Association sa Lungsod ng Calapan na benepisyaryo ng RCEF-Mechanization Component Program, kung saan kabilang dito ang Bayanan I, Malamig, Managpi, at Sta. Rita.

Nakatakdang ibaba sa Lungsod ng Calapan ang mga sumusunod na farm machineries: Bayanan I FA (1 unit-4WD Tractor at Rice Combine Harvester), Malamig FA (1-unit Rice Combine Harvester), Managpi FA (1-unit 4WD Tractor), at Sta. Rita FA (1-unit Rice Combine Harvester).

Nakasaad sa pinirmahang MOA ang duties and responsibility ng PhilMech at Farmers Associations, bilang benepisyaryo, gayundin ang iba pang mga mahahalagang kasunduan, kaugnay sa mga ipagkakaloob na makinarya sa pagsasaka.

Naisakatuparan ang nasabing aktibidad, dahil sa pakikipag-ugnayan sa DA-PhilMech ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department na pinamumunuan ni Mayor Malou Morillo, katuwang si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico.

Samantala, naging bahagi rin ng gawain ang mga kinatawan ng nasabing ahensya na sina Engr. Jhon Mark Licot at Engr. Jean Marie Alido.

Lubos na nagpapasalamat sa pamahalaan at ahensya ang mga samahang nabiyayaan ng mga nasabing kagamitan na makapagbibigay sa kanila ng kaalwanan, tungo sa pagiging produktibo.