Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
CSO Orientation on participatory governance – Calapan City Official Website

CSO Orientation on participatory governance

Sa pamamagitan ng 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗮𝘁 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na pinamumunuan ni 𝑷𝒂𝒏𝒍𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒕𝒏𝒖𝒈𝒐𝒕 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙. 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶 sa pakikipagtulungan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 ay matagumpay na naisakatuparan ang 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, Setyembre 16, 2023, City College of Calapan Activity Center, City Hall Complex, Guinobatan, Calapan City.

Ito ay sa kahilingan ng 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲𝘀 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 (PC3) na kasalukuyang pinamumunuan ni 𝑷𝑪3 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿. Dinaluhan ito ng mga accredited at recognized Civil Society Organizations (CSO’s) at Non-Government Organizations (NGO’s) sa Calapan City.

Pangunahing layunin ng nasabing aktibidad na mapalawig pa ang kaalaman kaugnay sa mahalagang gampanin ng CSO’s at NGO’s sa usapin ng pamamahala at lokal na pag-unlad.

Dito ay umakto bilang mga resource speakers sina 𝗠𝗿. 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, 𝑪𝑺𝑶 𝑫𝒆𝒔𝒌 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓, 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶, 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓-𝑫𝑰𝑳𝑮 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 at 𝗠𝘀. 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿, 𝑷𝑪3 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕.

Kabilang sa mga paksang tinalakay dito ay ang mga sumusunod: Overview of the Activity; Relevance of Participatory Governance; Local Peoples’ Council; PC3 Updates; Concept of Development; Local Development and Local Development Council Operations; LDC Members’ Soft Skills and Action Planning.

Ang pagkakabuo ng Peoples’ Council sa Lungsod ng Calapan ay nangyari sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 dahil sa paniniwala niyang mahalagang magkaroon ng boses at representasyon ang bawat sektor upang sa gayon ay maging kabahagi sila sa kabuuang pagpaplano sa programa at proyektong pangkaunlaran ng Pamahalaang Lungsod.

Ikinagalak naman ng mga CSO’s at NGO’s na nandoon ang personal na pagdalo ni Mayor Malou sa nasabing gawain. Nasa halos 100 representante mula sa iba’t ibang organisasyon ang nakilahok sa isinagawang Orientation on Participatory Governance.