Iniulat ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆-𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 — pinamumunuan nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 at 𝗖𝗕𝗠𝗦 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, ang naging progreso ng isinasagawang CBMS sa kalungsuran, ika-31 ng Agosto.
Sa ulat ni 𝗠𝘀. 𝗛𝗲𝗿𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗧. 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗹𝗼𝘀, 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 ng PSA Or.Min, nasa 𝟰𝟵.𝟲𝟮% households na ang nakatapos ng 𝑯𝒐𝒖𝒔𝒆𝒉𝒐𝒍𝒅 𝑷𝒓𝒐𝒇𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑸𝒖𝒆𝒔𝒕𝒊𝒐𝒏𝒏𝒂𝒊𝒓𝒆; samantala, sa 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑷𝒓𝒐𝒇𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑸𝒖𝒆𝒔𝒕𝒊𝒐𝒏𝒏𝒂𝒊𝒓𝒆 — 𝟰𝟲.𝟳𝟳% nito ay nakapagpasa at beripekado na, at 𝟰𝟯.𝟱𝟱% ang nakapagpasa ngunit hindi pa nabe-verify.
Gayundin, tinalakay ang mga naging hamon ng grupo kabilang na ang pagkuha ng mga enumerators, hindi pagpapatuloy ng mga nakuhang enumerators, kawalan ng pasilidad, pagtanggi ng mamamayan sa panayam, mga technical errors, at ang 100% increase sa bilang ng households.
Nabigyan naman agad ng solusyon ang ilan sa mga naging problema. Makikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 at sa 𝗟𝗶𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 upang mas mapadali ang CBMS sa mga susunod na buwan.
Sa pagpapatuloy ng CBMS, magkakaroon muli ng mga pagsasanay sa geotagging at data processing upang maiwasan na ang mga technical errors. Inaasahan din na magkaroon na ng Data Processing Center sa Setyembre bago simulan ang mga pagsasanay.
Maigting naman ang pagnanais ng lupon na matapos ang pagse-survey kung kaya’t iminungkahi ng PSA na palawigin ang CBMS hanggang Oktubre 31.