Coastline Bistro, Binuksan sa Calapan

Pinangunahan nina Mr. and Mrs. Orven Rabino at City Mayor Marilou Flore-Morillo kasama si Mr. Ephraim

Morillo ang Grand Opening ng Coastline Bistro na matatagpuan sa Czeascape Beach Resort sa Barangay Balite, Calapan City, ginanap nitong ika-8 ng Marso.

Layunin ng mag-asawang Rabino na makapagbigay ng trabaho, para sa mga Calapeño at mapalakas at bigyang sigla ang turismo sa lungsod, bilang panibagong atraksyong bukas para sa lahat.