CGCLYMPICS 2024: ISANG PAGDIRIWANG NG DIWA NG PAGKAKAISA AT GALING SA PALAKASAN

Ang diwa ng palakasan ay lubos na ipinakita sa Calapan City Hall ngayong umagang ito, ika-29 ng Abril, 2024, habang pinarangalan ng CGClympics 2024 ang mga kuponan na nagwagi sa larangan ng Basketball at Volleyball.

Ang mga kuponang nagkampyon sa larangan ng BasketBall ay ang Executive Mayor’s Office Team para sa Men’s Basketball at The Green City Risers para sa Women’s Basketball. Sa larangan ng Volleyball ay nasungkit naman ng Sangguniang Panlungsod Team ang titulo ng Women’s Volleyball Champion habang ang Unang Palapag Team naman sa Men’s Volleyball.

Ang seremonya ay hindi lamang tungkol sa mga nanalo kundi pati na rin sa pagdiriwang ng lahat ng mga koponan na lumahok, kabilang ang The Green Hornets, Unang Palapag, Old City Hall Eclips, The Green City Risers, Sangguniang Panlungsod, Team Outsiders, at ang Executive Mayor’s Office. Bawat koponan ay nagpakita ng kahanga-hangang antas ng kasanayan at sportsmanship sa buong laro.

Ang mga nanalong koponan ay ginawaran ng tropeyo, cash at certificates, bilang patunay ng kanilang pagsisikap at dedikasyon. Isang Pagbati para sa mga koponan sa kanilang natatanging pagganap at sa pagiging bahagi ng isang hindi malilimutang pangyayari.