Casita De Mama soft opening

Pinaunlakan ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ni 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 Atty. Jel Magsuci ang imbitasyon para sa soft launching at blessing ng isang bagong resort and restaurant sa lungsod, ika-22 ng Setyembre sa Brgy. Balite.

Hindi maikakaila na ang dating natutulog na bayan ng Calapan, ngayon ay isang booming city na. Patunay nga dito ang kaliwa’t-kanang pagdagsa ng mga namumuhunan at kabi-kabilag pag-usbong ng iba’t ibang mga negosyo.

Kaugnay nito, isang ‘𝒔𝒕𝒂𝒚𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏’ ang binuksan sa Calapan — ang 𝗖𝗔𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗗𝗘 𝗠𝗔𝗠𝗔.

Ayon kay Mayor Morillo, ang di mabilang na pagtatayo ng mga negosyo at pagdagsa ng mga namumuhunan sa lungsod ay nangangahulugan lamang na panatag at nakararamdam ng pag-asenso at seguridad ang mga nasabing negosyante. Dagdag pa nya na ito’y isang adbantahe ng Calapan, kung pag-unlad ng ekonomiya ang pag-uusapan.

Samantala, sa darating na Oktubre magaganap ang grand opening ng Casita De Mama, na pagmamay-ari naman nina 𝗠𝗿. & 𝗠𝗿𝘀. 𝗡𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 𝗕𝗼𝗻𝗱𝗼𝗰.