Calapeño spooktacular party

𝗡𝗢 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗬𝗘𝗔𝗥! | Sinigurado ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na magiging masayang muli ang mga chikitings sa selebrasyon ng

𝑯𝒂𝒍𝒍𝒐𝒘𝒆𝒆𝒏 ng lungsod ng Calapan na nasimulan na niya noong nakaraang taon.

Pamoso at kilalang malapit sa mga bata ang Ina ng lungsod kung kaya naman naisakatuparan ang 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐 𝑺𝒑𝒐𝒐𝒌𝒕𝒂𝒄𝒖𝒍𝒂𝒓 𝑷𝒂𝒓𝒕𝒚 ngayong taon sa pangunguna ng Calapan City Tourism, Culture and Arts office na pinamamahalaan ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱.

Isa lamang ang okasyong ito na nagbibigay saya sa mga bata at nabibigyan ng pagkakataong makapagpahayag ng kanilang nais na kararkter, mula sa mga sikat na anime, kilalang bida sa pelikula, at nakakapagsuot ng mga 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂-𝒄𝒖𝒕𝒆 na costumes.