Ipinagkaloob ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang Cash Prizes para sa mga nagwaging kandidata sa nakaraang “Calapan Queen
2024″, ginanap sa Calapan City Hall, nitong ika-5 ng Hulyo.
👑 Tina – Brgy. Pachoca
(Calapan Queen 2024 – P20,000.00)
👑 Patricia – Brgy. Sta. Isabel
(1st Runner Up – P10,000.00)
👑 Kyla – Brgy. Ilaya
(2nd Runner Up – P7,000.00)
👑 Thyrone – Brgy. San Antonio
(3rd Runner Up – P2,000.00)
👑 Kielly – Brgy. Lumangbayan
(4th Runner Up – P2,000.00)
Bahagi ng katagumpayan ng pagsasakatuparan sa nasabing aktibidad ang LIngkod LGBTQIA+ Association of Calapan City (LILAC) sa pangunguna nina Josh Barrientos (Chairperson, LILAC) at Jorgel Maranan (LILAC, President).
Katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni Mayor Malou F. Morillo, at Gender and Development Office, sa pamumuno ni GAD Focal Person, Ms. Junie Rose S. Gahol, gayundin ang iba’t ibang indibidwal at private sector na sumuporta at nagsilbing sponsor sa nasabing aktibidad, kasama ang Provincial Government of Oriental Mindoro, sa pamumuno ni Governor Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor.
Ang makabuluhang aktibidad na nakapaloob sa “Oriental Mindoro Pride 2024” ay sinasabing mayroon ding malalim na pinanghugutan para sa LGBTQIA+ community, kung saan ang unang Pride march ay naganap noong June 28, 1970.
Sa kadahilanang noong June 28, 1969, isang serye ng marahas na komprontasyon na nagsimula sa isang gay bar sa Greenwich Village section ng New York City ang naganap na tinawag na Stonewall riots, kaya naman ang isang araw na pagunita sa makasaysayang kaganapan ay naging isang buong buwan ng pagdiriwang ng LGBTQIA+ pride.