Masayang bumisita sa Calapan City Hall Museum, nitong ika-12 ng Abril ang animnapung (60) mga batang mag-aaral na mula sa
Mabini at Poblacion IV, Child Development Center, Victoria Oriental Mindoro, kasama ang kani-kanilang magulang at guro, bilang bahagi ng kanilang Field Trip, na binigyang suporta at paggabay ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ni Mr. Restituto G. Cueto na tagapangasiwa ng City Museum.
Pangunahing tunguhin ng makabuluhang aktibidad na mapagyabong pa ng husto ang kabuuang pag-unlad ng mga batang mag-aaral, sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga aral na nakadikit sa mga iniingatang yamang pamana ng kasaysayan ng lungsod at ng lalawigan.