League of Cities of the Philippines (LCP) 4th Convergence

Kasalukuyang dumadalo si Calapan City Mayor Morillo sa League of Cities of the Philippines (LCP) 4th Convergene at 77th National Executive Board Meeting sa NuStar Hotel, Cebu City.

Ang naturang pagpupulong ay naglalayong magbigay ng platform para sa mga Local Chief Executive’s upang makipag-ugnayan sa mga isyu na mahalaga para sa pag-unlad ng mga lungsod.

Layunin ng pagdalo ni Mayor Morillo na payabungin ang magandang relasyon sa mga kapwa niya Alkalde at palakasin ang alyansa ng lungsod ng Calapan sa organisasyon. Nakakatulong ang pagiging aktibo ni Mayor Malou F. Morillo sa mga aktibidad ng LCP at iba pang organisasyong kanyang kinabibilangan sa mga pagkakataong kinakailangan ng lungsod ng Calapan ng suporta sa anumang pagkakataon.