Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na kasalukuyang Hepe ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀
𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci ang isinagawang pagpupulong ng mga opisyales na kasapi ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗔𝗟𝗙𝗙𝗔), ginanap sa Brgy. Biga, Demo Farm nitong ika-5 ng Enero.
Dito ay binigyang diin ng Punong Lungsod ang tungkol sa 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗿𝗱 (𝗜𝗠𝗖) ng 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗥𝗙𝗙𝗔) na ipamamahagi sa 𝟮,𝟬𝟮𝟮 magsasaka sa Lungsod ng Calapan na naglalaman ng 𝗣𝟱,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬.
Dagdag pa rito, tinalakay rin ng butihing Ina ng Lungsod ang tungkol sa ipagkakaloob na 𝗙𝗲𝗿𝘁𝗶𝗹𝗶𝘇𝗲𝗿 𝗗𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗩𝗼𝘂𝗰𝗵𝗲𝗿 (𝗙𝗗𝗩), mga isinusulong na programa para sa pagkakaroon ng mga makinarya, at pagbibigay ng iba pang mga kagamitan para sa ikaaalwan ng mga Calapeñong magsasaka.
Ipinabatid din ni Mayor Morillo sa mga Calapeñong magbababoy na naapektuhan ng 𝑨𝒇𝒓𝒊𝒄𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒊𝒏𝒆 𝑭𝒆𝒗𝒆𝒓 (𝑨𝑺𝑭) sa Calapan na magbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng insentibo sa mga baboy na ide-depopulate.