Calapan City District Jail & City Police Station New Year’s Call to Mayor Morillo

Nagbigay-galang ang pamunuan ng Calapan City District Jail at Calapan City Police Station — sa pangunguna nina Jail

Warden, JAIL CHIEF INSPECTOR RANDI C ABRIL, at Chief of Police, PLTCOL DANILO U DRIZ JR., kay City Mayor Marilou Flores-Morillo nitong ika-15 ng Enero.

Sa pagtatagpo nila, pinaabot ni Mayor Morillo ang kaniyang pasasalamat sa kanilang serbisyo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Lungsod ng Calapan.

Makakaasa naman ang mga Calapeño na patuloy ang pagtutulungan at pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod sa Calapan CDJ, at Calapan CPS.