Calapan City Capitals, wagi kontra team Victoria sa iskor na 97-68

Nasungkit ng ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น๐˜€ ang pang-anim (6) na panalo nito sa ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ’๐˜€ ๐—–๐˜‚๐—ฝ: ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, matapos nitong gapiin ang ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ sa iskor na ๐Ÿต๐Ÿณ-๐Ÿฒ๐Ÿด sa court ng Roxas Gymnasium, nitong araw ng Sabado, ika-14 ng Oktubre.

Sa unang quarter ng laro, naging agresibo kaagad ang Team Calapan sa opensa, kung saan mga pasok na 2 at 3 point shot ang sunod-sunod na pinakawalan nina ๐—œ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐—ž๐—ถ๐—ฏ๐—ฏ ๐—”๐˜๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜‡๐—ฎ, ๐—ก๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฒ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ผ๐—ป, at ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐—น ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ.

Kahit na bumawi ng pasok na tres (3) si Mercado ng Victoria sa huling isang minuto, umarangkada pa rin sa pagpuntos ang Team Calapan, dahilan para magtapos ang unang bahagi sa iskor na ๐Ÿฎ๐Ÿด-๐Ÿญ๐Ÿฏ.

Sa second quarter, sinubukan ng Team Victoria na humabol at maibaba ang lamang sa kanila, ngunit mas lalong humigpit ang depensa ng Team Calapan City at napanatili ng koponan ang malaking kalamangan nito sa iskor na ๐Ÿฐ๐Ÿฒ-๐Ÿฏ๐Ÿฐ.

Naging malaking bagay naman sa third quarter ang mga pasok na free throw shot at mahigpit na depensa ng Team Victoria para makahabol, ngunit ito ay ganadong sinabayan ng Team Calapan City na nagresulta ng ๐Ÿฒ๐Ÿต-๐Ÿฑ๐Ÿฑ na iskor.

Dikdikang laban naman ang nasaksihan ng mga manonood pagsapit ng fourth quarter, kung saan tuluyan nang natibag ng Calapan City Capitals ang matibay na kalasag ng Team Victoria, sa pamamagitan ng pagpapasok ng sunod-sunod na puntos nina ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฒ๐—น ๐—˜๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ at ๐—ฅ๐—ฎ๐—น๐—ฝ๐—ต ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ผ, kung saan natapos ang laro sa iskor na ๐Ÿต๐Ÿณ-๐Ÿฒ๐Ÿด.