Ito ang pinatunayan ng ilang piling mag-aaral mula sa siyam (9) na paaralan sa lungsod ng Calapan.
Naging tampok ang malikhaing mga obra ng mga mag-aaral sa isinagawang selebrasyon ng pamahalaang lungsod ng 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗗𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟯 ika-20 ng Oktubre sa Calapan City Plaza Pavilion na pinangunahan ng Fisheries Management Office sa pamamahala ni 𝗙𝗠𝗢 𝗢𝗜𝗖, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀.
Sa temang 𝗙𝗿𝗼𝗺 𝗧𝗿𝗮𝘀𝗵 𝘁𝗼 𝗙𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝘁: 𝑻𝒖𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒉𝒆 𝑻𝒊𝒅𝒆 𝒐𝒏 𝑶𝒄𝒆𝒂𝒏 𝑷𝒍𝒂𝒔𝒕𝒊𝒄 𝑷𝒐𝒍𝒍𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏 pormal na isinagawa ang selebrasyon ng MPA Day 2023 at naging highlight nga ay ang naturang ‘𝑰𝒏𝒔𝒕𝒂𝒍𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑨𝒓𝒕 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕’ na nagshowcase ng samu’t saring obra mula sa basura.
Samantala, sapat na kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit sa ating yamang-dagat ang sya namang binigyang puntos ni FMO OIC Robin Villas sa kanyang ibinahaging mensahe sa nasabing aktibidad.
Paniniwala naman ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, epektibo ang mga programa, ang pamamahala at mga hakbangin natin pagdating sa usapin ng MPA, sapagkat ito ay tumutugon sa nagbabagong mga kondisyon o umuusbong na mga banta ng kasalukuyang panahon.
Dagdag pa niya, bilang administrasyon na naglalayon at nangangarap ng isang luntiang Calapan, importanteng aspeto ang epektibong konserbasyon at pagpapataas ng antas ng proteksyon ng ating mga likas na yaman.
Ayon naman kay 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗔. 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, ang mga ganitong gawain ay tunay na tinututukan ng city government sapagkat importante sa Ina ng Lungsod, Mayor Morillo ang pagpapanumbalik ng kagandahan at kasaganaan ng ating kalikasan.
Naging susi rin ng katagumpayan ng naturang selebrasyon ang partisipasyon ng ilang dedicated na indibidwal na ang hangarin ay pangalagaan at pagyamanin pang lalo ang kalikasan natin, na kinabibilangan nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗡𝗥𝗢, 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, 𝗠𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗖𝗹𝗮𝗿𝗸 𝗥𝗼𝘀𝘀 𝗧. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗣𝗔 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗥𝗠 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, at 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗠. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, gayundin ang mga piling indibidwal na nirerespeto at kinikilala sa kani-kanilang larangan na sya namang nagsilbing mga hurado sa isinagawang ‘Installation Art Contest’.