Bucayao Senior Citizens Meeting

Noong ika-29 ng Hunyo, dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa isang makabuluhang pulong para sa mga senior citizen na

ginanap sa Bucayao Covered Court. Kasama ni Mayor Morillo si City Councilor, Atty. Jel Magsuci, na kapwa nagpakita ng kanilang suporta at pagmamalasakit sa mga nakatatanda mula sa lungsod ng Calapan. Nagsagawa rin ng raffle para sa mga dumalong nakatatanda, na nagbigay ng kasiyahan at excitement sa kaganapan. Ang naturang raffle ay bahagi ng mga inisyatibong layong magbigay ng saya at galak sa mga Calapeno senior citizen. Ang programa ay nagtapos sa masayang salu-salo, puno ng mga ngiti at masasayang alaala.