Book Donation: Libro Mo, Kinabukasan Ko

Malugod naming inaanyayahan ang mga Calapeñong nagnanais na mag-donate ng iba’t ibang uri ng libro. Ang ating City Library ay tumatanggap ng mga libro tulad ng:

🎓 Academic Books

🖋️Classic Literature Books

👔 Young Adult Books

🎨 Art Books

📐 Architecture Books

💥 Manga at Comic Books

Ang mga makakalap na libro ay ibinibigay ng ating City Library sa mga humihiling nito, tulad ng mga paaralan, silid-aklatan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Barangay Reading Centers.

Dalhin lamang ang inyong mga donasyon sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 na matatagpuan sa Old City Hall, Ibaba East, Calapan City, Lunes-Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM.