Araw ng Sabado, Oktubre 7, 2023, naimbitahan si ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ sa pagpapasinaya ng bagong bukas na kalsada na matatagpuan sa Sitio Silangan, Barangay Sapul, Calapan City.
Ang naturang kalsada ay magbibigay ng malaking kaalwanan para sa mga resisdente na dati-rati ay nagtitiis dumaan sa masukal na daan at makipot na pilapil.
Nagayon ay may maayos na silang nilalakaran at nakakapasok na rin ang mga sasakyan patungo sa kanilang mga tahanan. Lubos namang nagpapasalamat ang mga residente sa mga personalidad na may mabuting puso na nagkaloob ng bahagi ng kanilng lote upang makumpleto ang kabuuan ng naturang kalsada, sila ay sina:
๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐ (Consuvil Realty Development Corporation)
๐ ๐ฟ. ๐๐ฒ๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฟ๐. ๐๐ฎ๐ถ๐๐ ๐ง๐ฒ๐พ๐๐ถ๐น๐ฎ
๐ ๐ฟ. ๐๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ
๐ ๐ฟ. ๐ฅ๐๐ฎ๐ป ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ
Maliban kay Mayor Malou ay naroon din ang ilang Kagawad ng Barangay mula sa Pamahalaang Barangay ng Sapul. Si ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐ฟ. ๐๐ฒ๐ป๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ ang siyang nanguna sa pagbabasbas ng bagong bukas na kalsada.
Umaasa naman ang mga residente sa lugar na sa darating na panahon, sa pamamagitan ni Mayor Malou ay matutulungan sila ng Pamahalaang Lungsod na maipakonkreto ang kanilang kalsada para sa mas higit nilang kaalwanan.