Beverford S KIN Wellness & Aesthetics 1st year anniversary

Isang taon nang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo hindi lamang para sa mga Calapeño manapa’y para

sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro. Kasabay nito ay pinapanatili ng naturang negosyo ang nasimulang adbokasiya na tumulong sa mga kapus-palad lalo na sa mga katutubong mangyan at maging katuwang ng civil society organizations sa pagsasagawa ng mga outreach programs.

Sa unang taong anibersaryo ng 𝗕𝗲𝘃𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗱 𝗦 𝗞𝗜𝗡 𝗪𝗲𝗹𝗹𝗻𝗲𝘀𝘀 & 𝗔𝗲𝘀𝘁𝗵𝗲𝘁𝗶𝗰𝘀, Pebrero 10, 2024 ay naging kaisa sa pagdiriwang nito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.

Sa kanyang mensahe ay una niyang pinasalamatan ang owner/manager nito na si 𝗗𝗿. 𝗚𝗶𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗼𝗷𝗮 𝗕𝗲𝘃𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗱 na isang lehitimong Calapeña na mas piniling magtayo ng kanyang negosyo sa kanyang bayang sinilangan.

Kanya ring hinangaan ang magandang pananaw ni Doc Gina sa pagtataguyod ng kanyang negosyo na ang layunin ay hindi lamang para kumita bagkus ay maging bahagi sa pagtataguyod ng kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Isang panalangin ng pasasalamat para sa isang taon ng katagumpayan at pagpapala ang pinangunahan ni 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗝𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 mula sa bayan ng Baco na sinundan ng pagbabasbas ng mga kagamitan sa loob ng pasilidad.

Naroon din ang ilan sa mga panauhin at kaibigan na sumusuporta sa negosyong itinayo ni Doc. Gina tulad ni City Councilor Federico Cabailo Jr., at Dr. Berylle Masangkay.

Naging panauhin din sa okasyon sina 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗲𝗮 𝗖𝗮𝗰𝗰𝗮𝗺 – 𝑩𝒊𝒏𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑵𝒂𝒖𝒋𝒂𝒏 2023/𝑴𝒊𝒔𝒔 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 2023 at 𝗠𝘀. 𝗦𝗼𝗳𝗶𝗮 𝗧𝗼𝗿𝗶𝗻𝗮 – 𝑩𝒊𝒏𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒄𝒐 2023/ 𝑴𝒊𝒔𝒔 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 2023 2𝒏𝒅 𝑹𝒖𝒏𝒏𝒆𝒓 𝒖𝒑.

Ang Beverford S KIN Wellness & Aesthetics ay nagkakaloob ng mga serbisyong pampaganda at pagpapanatili ng mabuting kalusugan sa abot kayang presyo. Sila ay matatagpuan sa Mabini St. Ilaya Calapan City (in front of RODASTCO).