Battalion Advisory Group meeting CY 2024

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 at 𝗕𝗔𝗚 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang pagpupulong ng Battalion Advisory Group nitong ika-16 ng Pebrero.

Naging agenda ng pagpupulong ang ilang mga Actionable Items mula sa pagpupulong nila noong ika-19 ng Setyembre 2023 at ang 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘆𝗻𝗲𝗿𝗴𝘆 o 𝗬.𝗘.𝗦 𝗕𝗼𝗼𝘁 𝗖𝗮𝗺𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟯 na isinasagawa ng 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗰𝗲 𝗕𝗮𝘁𝘁𝗮𝗹𝗶𝗼𝗻.

Samantala, naging sentro ng talakayan ang paghahanda para sa Y.E.S Boot Camp 2024. Nais ng BAG na maituloy-tuloy ang gawaing ito at higitan pa ang mga nagdaang boot camp.

Hiniling din ni Mayor Morillo na isagawa ang boot camp sa Calapan nang sa gayon ay maranasan ito ng mga kabataang Calapeño. Isa pa sa naging suhestyon ay maging bukas ito sa ibang mga kabataan at hindi lamang sa mga criminology students.

Inaasahan naman na magkikita muli ang BAG para pag-aralan pa lalo ang Y.E.S Boot Camp 2024.