Kasabay ng pagdiriwang ng 𝑩𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂, nagtungo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆, sa pamumuno ni 𝗠𝘀. 𝗖𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, sa 𝗕𝘂𝗵𝘂𝗮𝗻 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 upang isulong ang pagpapahalaga sa wika at pagbasa, ika-18 ng Agosto.
Sa ilalim ng programang 𝑻𝑨𝑴𝑨𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒍𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕, ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ang mga libro na donasyon mismo ng Ina ng Lungsod para sa silid aklatan ng Buhuan ES.
Gayundin, handog ng City Public Library ang 𝑨𝒓𝒕𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒓𝒂𝒇𝒕 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒔𝒉𝒐𝒑 kung saan natuto naman ang mga mag-aaral na gumawa ng polymer clay jewelry, pins, at pagdidisenyo ng tote bags.
Naging emosyonal naman ang programa para sa Punong Guro ng Buhuan ES na si Ma’am 𝗠𝗮. 𝗩𝗮𝗻𝗲𝘀𝘀𝗮 𝗠. 𝗖𝗮𝗿𝗶𝗮𝘀𝗼 dahil personal na bumisita ang Punong Lungsod sa maliit na paaralan nila. Aniya, nais niyang makita din ni Mayor Morillo ang nagiging inspirasyon ng mga guro doon para magsikap sa pagtuturo — ang mga batang Buhuanian.
Dahil flood-prone nga ang lugar, ipinangako naman ng Punong Lungsod na pagkakalooban niya ang paaralan ng elevated building na magagamit bilang silid-aralan at lagayan ng mga mahahalagang kagamitan lalo na kapag may bumabaha.