Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Fisheries Management Office (FMO) at
ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), gayundin ng mga fisherfolk ng Calapan, matagumpay na isinagawa ang partial harvesting ng nasa kabuuang 454 kilo ng isdang Bangus, mula sa tatlo sa proyektong fish cage sa fishpond na matatagpuan sa area ng Barangay Mahal na Pangalan, lungsod ng Calapan, nitong ika-15 ng Enero.
Ang mga nasabing inaning Bangus ay bunga ng ipinamahaging 160 na sako ng fish seeds growers at 10,000 na semilya ng Bangus na naibigay sa Samahang HAYUMA, Samahan ng mga Mangingisda ng Ibaba East, Samahan ng mga Mangingisda ng Mahal na Pangalan, at Samahan ng mga Mangingisda ng Baruyan, sa pamamagitan ng BFAR at ng pamahalaang lungsod ng Calapan, dahil sa aktibo at masigasig na pagsusumikap ni Mayor Malou Morillo.
Malaking bahagi ng katagumpayan ng naturang aktibidad na ito sina City Mayor Marilou Flores-Morillo, BFAR Regional Director, Mr. Emmanuel H. Assis, DFT, CESE., Provincial Fisheries Ofiicer, Brenda Labiaga, OIC, FMO, Mr. Robin Clement M. Villas, gayundin sina Mr. Clark Baustista, at Mr. Stephen Calayan (Agricultural I).
Ang ganitong uri ng fish harvesting ay indikasyon ng pagkakaroon ng magandang resulta ng mga tulong at suportang ipinagkakaloob ng pamahalaan, para sa ikauunlad ng sektor pampangisdaan sa Lungsod, kung saan kaugnay sa naturang aktibidad, ang mga na-harvest na isda ay dinala rin sa Calapan City Public Market.