Bagong gusali para sa Malad Elementary School

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | BAGONG GUSALI PARA SA MALAD ELEMENTARY SCHOOL

Isang bagong gusali na may dalawang malaking silid-aralan ang matagumpay na naipatayo ng pamahalaang lungsod — sa ilalim ng administrasyong Morillo, sa Malad Elementary School.

Nito nga lamang ika-16 ng Enero, isinagawa ang Blessing at Official Ribbon Cutting na pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci, Ma’am Susanna M. Baustista – DepEd Calapan City Schools Superintendent, Ma’am Myrna B. Agena – School Principal, at Hon. Hector Africa – Barangay Chairman. Pinamunuan naman ni Fr. Simpol Bonquin ang pagbasbas sa naturang pasilidad.