Bilang pagpapaigting ng operasyong isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Calapan, hinggil sa patuloy na lumalaganap na 𝗔𝗳𝗿𝗶𝗰𝗮𝗻 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗲 𝗙𝗲𝘃𝗲𝗿 (𝗔𝗦𝗙), nagsagawa ng pagpupulong ang mga Hepe at
kawaning kasapi ng ASF Task Force, nitong ika-23 ng Enero.
Binigyang pansin sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng mga hog raiser sa lungsod, gayundin ang sitwasyon, kaugnay sa isinasagawang depopulation at disinfection.
Bilang tugon sa kasalukuyang suliranin, sinisikap din ng LGU ng Calapan na mas pagbutihin pa ang isinasagawa nilang operasyon, at isulong ang mga tulong, para sa mga nag-aalaga ng baboy, katulad ng pagbibigay sa kanila ng kaukulang insentibo.
Maagap ding inaasikaso ang karagdagang pondong ilalaan sa mga gastusin, para sa mga pangangailangan ng mga frontliner na nangangasiwa sa mga operasyon.
Ang naturang pag-uusap ay pinangunahan ni City Administrator, Atty. Reymund Al F. Ussam, kasama sina City Legal Officer Atty. Rey Daniel Acedillo, City Budget Officer, Ms. Lorieta A. Galicia, CDRRM Officer, Mr. Dennis T. Escosora, City Veterinarian, Dr. Feby Dar C. Manglicmot, CIO Supervising Head, Mr. Baron R. Venturina, Dr. Chester M. Macatangay (Veterinarian IV) at Engr. Jasper B. Adriatico (City Agricultural Services Department, Focal Person).