Opisyal nang inilunsad sa lungsod ng Calapan ang Tutok Kalinga: Dietary Supplementation Program for
Nutritionally At-Risk Pregnant Women, ika-7 ng Mayo sa City Mall.
Ang naturang programa ay para sa mga nutrionally at risk na momshies. Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis partikular na ang mga teenage at underweight pregnant, upang maihanda sila sa kanilang panganganak at maiwasan ang pagiging bansot ng kanilang mga babies.
Nakasaad at kabilang ang nasabing programa sa RA 11148: Kalusugan at Nutrisyon ng Magnany Act.
Sa pangunguna ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, katuwang ang City Health and Sanitation Department sa pamamahala ni Dr. Basilisa M. Llanto City Health Officer at City Nutrition Action Officer – Ms. Glenda Raquepo, nagpapatuloy ang kampanya ng Pamahalaang Lungsod upang maiwasan ang malnutrisyon ng ating mga mommies at babies.
Isa lamang sa mga itinuro sa mga nagsipagdalo na mga momshies ay ang kahalagahan ng pagpapasuso. Nagbahagi rin dito ng ilan pang mga dapat malaman at tandaan, upang magkaroon ng TAMAng kalusugan ang ating mga mommies at babies.
Kasama ang ilang Punong Barangay, masisipag na Barangay Nutrition Scholars, at mga dedikadong kawani ng CHSD, kasama rin sina Dr. Rachelle Ann Mae Aranez at City Dentist, Dr. Simonette Dalisay, naging makabuluhan ang araw ng ating pregnant mommies.
Bukod sa sapat na kaalaman, nakapag-uwe din sila ng nutritious goodies mula sa Pamahalaang Lungsod.
Samantala, naging bahagi rin ng matagumpay na paglulungsad ng Tutok Kalinga Program si Mr. Merlito Bonquin – Head Lingap Center, at Aboganda, Konsehala Atty. Jel Magsuci.