Sa isang makabuluhang pagtitipon sa rehiyon ng MIMAROPA, pinangunahan nina TESDA Palawan Provincial Director, Gerardo A. Mercado, DOT MIMAROPA Regional Director, Roberto P. Alabado III, at TESDA MIMAROPA Regional Director, Angelina M. Carreon ang pagsisimula ng proyekto ng TESDA at DOT na naglalayong palakasin ang turismo sa rehiyon.
Ang Regional Kick-off on Training & Competency Assessment for Hotel Workers na isinagawa noong ika-6 ng Mayo 2024 ay isang hakbang patungo sa mas pinaigting na sektor ng turismo, kung saan naging pangunahing bisita si City Mayor Malou Flores-Morillo kasama ang kanyang team mula sa City Tourism, Culture and Arts Office na pinamumunuan ni Mr. Christian Gaud. Sa kaganapang ito, binigyang-pugay ni Mayor Morillo ang TESDA at DOT sa kanilang walang sawang suporta at pakikipagtulungan sa City Government of Calapan para sa pagpapaunlad ng turismo.
Hindi rin nakalimutan ni Mayor Morillo na kilalanin ang dedikasyon at sipag ng mga manggagawa ng TESDA na nagbibigay ng mahalagang skills training sa mga mamamayan, na siyang nagpapalago sa kakayahan ng bawat isa.