Tuluy-tuloy sa pag-arangkada ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci, para sa paghahatid ng abot kamay na serbisyo, para sa mga Calapeño, sa pamamagitan ng Expanded Health Program na siyang ibinaba sa Barangay Mahal na Pangalan, nitong ika-22 ng Abril.
Kaloob sa kanila ni Mayor Morillo ang libreng serbisyong medikal, kung saan kabilang dito ang Free Anti-Pneumonia Vaccine, Dental Health Services, Health Card Services, at iba pang serbisyong pangkalusugan.
Ang nasabing gawain ay naisakatuparan sa suporta nina City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, Ms. Julieta M. Paduada, RSW (Program Manager, City Socialized Medical Health Care Office), at Dr. Von Hidalgo, Dr. Mencee Alferez, (City Doctors), (City Doctors), kasama sina Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), at Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy (Volunteer), gayundin ang mga kawani ng Serbisyong TAMA Center.