BARANGAY ILAYA AND LIBIS SECTORAL CONSULTATION

Matapos tugunan ang mga kinakailangang serbisyo ng mga taga-Barangay Ilaya at Libis sa pamamagitan ng ‘Serbisyong TAMA para sa Barangay’ Program na isinagawa sa Barangay Ilaya Covered Court, Abril 29, 2024.

Sa kaparehong petsa ay isinagawa rin ang Sectoral Consultation sa Ilaya Barangay Hall, na ang pangunahing layunin naman ay direktang marinig ang mga suhestiyon at saloobin ng iba’t ibang sektor kabilang na ang bumubuo ng Sangguniang Barangay tungo sa mas higit pang magandang ugnayan sa pagitan ng mga ito at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Kasama ang mga konsernadong departamento sa City Hall ay pinangunahan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang malayang talakayan, na kung saan dito ay nabigyang-pansin ang mga isyung may kinalaman sa kaayusan ng barangay tulad ng wastong pangangasiwa ng basura na tumuon sa obligasyon ng bawat kabahayan at maging ng Sangguniang Barangay.

Nabigyan din ng pagkakataon na malinawan ang mga katanungan tungkol sa benipisyo ng Persons With Disability, Senior Citizens at Solo Parents.

Ipinaliwanag din ng Punong-lungsod ang sinusunod na proseso sa implementasyon ng AICS at DOLE-TUPAD. Binigyang-linaw din nito ang sistema ng planning and budgeting na tungkulin ng ehekutibo.

Ang mga issues and concerns na pambarangay na may kaugnayan sa kinakailangang proyekto at ilan pang usapin tulad ng mga tindahan na hindi sumusunod sa itinakdang reglamento at kakulangan ng tagapagsaayos ng daloy ng trapiko sa ilang estratihikong lugar sa kanilang nasasakupan.

Sa kabuuan ay naging malusog at mabunga ang naging resulta ng nasabing sectoral consultation.

Si DILG City Director, EnP. Ivan Stephen Fadri ay dumalo rin sa nasabing aktibidad upang makibahagi sa talakayan.

Ang mga bagay na napagtalakayan, ayon kay Mayor Malou Morillo ay magsisilibing giya upang mas mapagbuti pang lalo ang pagkakaloob ng serbisyo at programa para sa lahat ng sektor sa paraang patas at walang kinikilingan.