Muling pinangunahan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang isinagawang City School Board Meeting noong Lunes, ika-22 ng Abril, sa Calapan City Hall na dinaluhan ng mga miyembro nito.
Kasama rin sa isinagawang pagpupulong sina City Accountant, Mr. Edgardo C. Basilan, CPA, City Engineer, Engr. Benjamin L. Acedera CESE, City Budget Officer Ms. Lorieta A. Galicia, BAC Secretariat Head EnP. Lea B. Carpio at Acting City Administrator/City Legal Officer, Atty. Rey Daniel S. Acedillo.
Narito ang ilang mga punto na naging bahagi ng agenda:
1. Pag-update sa Kasalukuyang SEF Infrastructure Projects
2. 2024 Palarong Pampaaralan ng Sangay ng Lungsod ng Calapan
3. 2024 MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet Preparation
Nais ni City Mayor Malou F. Morillo na masigurong maayos at may kaukulang suporta para sa mga manlalaro at delegadong dadalo sa MRAA. Kabilang dito ang pagkakaroon ng sapat na medical team at ambulance para sa kaligtasan ng mga atleta at delegadong kalahok mula sa ating lungsod.
Sa huli, tinalakay rin ang iba’t ibang bagay na may kinalaman sa edukasyon at pamamahala ng mga paaralan sa Calapan.