Personal na dumalo at nakiisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na “Provincial Development
Council (PDC) Full Council Meeting”, na ginanap sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol Complex, Calapan City, nitong ika-17 ng Abril na pinangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamumuno ni PDC Chairperson, Governor Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor, ito ay upang ilahad at pagpulungan ang mga mahahalagang programa, plano at hakbang ng pamahalaan, para sa kapakanan ng mga mamamayan at kaunlaran ng buong lalawigan ng Oriental Mindoro.