Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, napagkalooban ng tulong pinansyal ang
mga magsasaka ng Calapan, mula sa Department of Agriculture, ginanap sa Barangay Biga, Demo Farm, nitong ika-3 ng Abril.
Sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA 2023), nasa kabuuang 63 na magsasakang Calapeño ang tumanggap ng P5,000.00 bawat isa na inaasahang makatutulong para sa kanila, bilang pandagdag sa panggastos nila sa pagbubukid.
Ang nasabing RFFA ay ayuda para sa mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBA) na mayroong dalawang (2) ektarya pababang lupang sinasaka.
Kaugnay sa nasabing aktibidad, kasama rin ng Punong-lungsod na nakasuporta para sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga magsasaka sina Chief of Staff, Mr. Joseph Umali, at CALFFA Coordinator, Engr. Jasper B. Adriatico.