Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng kauna-unahang People’s Council sa Lungsod ng Calapan na
pinamumunuan ni PC3 President, Ms. Doris G. Melgar, matagumpay na idinaos ang “Araw ng Taumbayan 2024” ginanap sa Oriental Mindoro National High School Gymnasium, nitong ika-17 ng Marso.
Ang naturang aktibidad na bahagi ng pagdiriwang ng “KALAP Festival 2024: The 26th Cityhood Anniversary of Calapan” ay sinimulan sa pamamagitan ng Taumbayan Solidarity Walk na inumpisahan mula Calapan City Plaza Pavilion, patungong OMNHS Gymnasium, na sinundan ng makabuluhang programa.
Binigyang-daan din ng Pamahalaang Lungsod ang pagkakaloob ng dalawampung (20) Nego-kart project para sa taumbayan, kalakip ang inisyal na kapital, para sa mga benepisyaryong Calapeño, at suportang tulong para sa mga Community Gardeners, gayundin ang paghahandog ng mga proyektong pangkabuhayan, sa tulong ng iba’t ibang ahensya at ni Mr. Orven Feliciano Rabino.
Hindi bababa sa 28 na organisasyon ang nakiisa sa aktibidad na mula sa iba’t ibang sektor sa Lungsod ng Calapan na matagumpay na naisakatuparan, sa pangangasiwa ng People’s Council of Calapan City, katuwang ang Community Affairs Office, Serbisyong TAMA Center, Management Information System Office, at City Information Office.
Samantala, lumahok din sa nasabing gawain sina Acting City Administrator, City Legal Officer, Atty. Rey Daniel Acedillo, Mr. Ivan Stephen F. Fadri, CPA, CESE (City Director, DILG Calapan City), City Councilor, Atty. Jel Magsuci, at Chief of Staff, Mr. Joseph Umali, kasama ang ilan sa mga Hepe ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, gayundin ang mga dignitaryong bisita mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.