Aktibong nakiisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo para sa pagdiriwang ng “65th Public Library Day
2024″ na nakaangkla sa temang “Ikaw, Ako, at ang Pampublikong Aklatan: Higit Animnapu’t Limang Taong Pagtutugunan”, na idinaos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aktibidad na nakatuon sa “Orientation and Training- Workshop on Basic Library Management for Barangay Reading Center-Incharge”, ginanap nitong ika-8 ng Marso.
Dito ay nagkaroon ng Turn-over ng Library Resources, gayundin ng sesyon tungkol sa Basic Library Management Skills at Orientation on the National Library of Monthly Monitoring Form na matagumpay na pinangasiwaan ng City Public Library of Calapan, sa pangunguna ni City Librarian, Ms. Claire P. Benter, RL, MLIS, kasama si Ms. Abigail H. Falogme, RL, (Librarian I).
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, sa pamumuno ng Punong Barangay at SK Chairman, gayundin ang mga nangangasiwa sa kani-kanilang mga Barangay Reading Center.
Para kay Mayor Morillo, mahalaga ang aklat sa buhay ng tao, dahil kaya ka nitong baguhin at gawing kapaki-pakinabang sa ginagalawan nating lipunan, sa pamamagitan nito ay magagawa rin nating malaman ang mga aral na mayroon ang kasaysayan.