Nasa 233 Calapeño rice farmers ang kabilang sa ikalawang batch na nakatanggap ng Rice Farmer Financial Assistance o RFFA na nagkakahalagang PHP 5,000 nitong ika-18 ng Enero sa Camilmil Gymnasium.
Sa ngayon, hindi pa dumarating ang Intervention Monitoring Card ng ikalawang batch kung kaya’t pansamantala ay “stubs” muna ang kanilang natanggap na dadalhin sa USSC o Universal Storefront Services Corporation upang makuha ang PHP 5,000 cash.
Ang RFFA ay programa ng Department of Agriculture na naglalayong mabigyan ng ayuda ang mga rice farmers na mayroong dalawang ektarya pababang lupang sinasakahan.
Ito naman ay ibinababa sa pamahalaang lungsod ng Calapan at sa direktiba ni City Mayor at City Agricultural Services Department Head Marilou-Flores Morillo ay agad na ipinamahagi ang ayuda.
Kasama din ng Punong-Lungsod si City Councilor, Atty. Jel Magsuci sa araw ng distribusyon.