Ganiyan ang mga Calapeño ng Mahal na Patron Sto. Niño, kaya naman napuno ng pag-asa ang kalungsuran ng muling
isagawa ang Grand Procession nitong ika-1 ng Enero bilang bahagi ng pagpupuri sa Kaniyang kadakilaan.
Bata, matanda, magkakapamilya o magkakaibigan, baon nila ang mga panalangin at nakikiisa sa paglalakbay ni Sto Niño. Ang iba naman ay taimtim na nag-aantay sa kanilang tahanan, nag-aasam na dumaan at masilayan Siya. Hindi makikita ang pagod sa paglalakad o maging ang pagkainip; ang naroon lamang ay ang matinding pananalig ng mga deboto sa Kaniya.
Sa pagpasok ng panibagong taon, dala Niya ang pag-asa sa Kaniyang pagsalo at pagsalo sa Lungsod ng Calapan.