𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔𝗜𝗡 | Paglilinaw ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼 tungkol sa isyu ng mga
magbababoy at ang estado ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod ng Calapan.
Transcript ng buong pahayag: https://rb.gy/ovkq5n
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗧𝗢𝗦!
Hindi ipinagbabawal ng Calapan LGU ang pagbebenta ng karneng baboy sa lungsod, siguruhin lamang na ito ay safe at sertipikado ng DOA
Bibigyan ng Calapan LGU ng financial assistance ang mga apektadong magbababoy upang makabawi sa kanilang kasalukuyang sitwasyon
Hindi ang pamahalaang lungsod ng Calapan ang nagbibigay ng 𝑪𝒆𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑭𝒓𝒆𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒖𝒔 𝒐𝒏 𝑨𝑺𝑭, kundi ang Department of Agriculture Regional Office/Bureau of Animal Industry
Hango sa DOA at Provincial Government ang mga protocol na ipinatutupad ng Calapan LGU
Ang ipinagbabawal lamang ay ang basta-bastang pagbiyahe ng mga baboy palabas ng Calapan sapagkat may positibong kaso na ng ASF ang lungsod
Paano makakakuha ng 𝑪𝒆𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑭𝒓𝒆𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒖𝒔 𝒐𝒏 𝑨𝒇𝒓𝒊𝒄𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒊𝒏𝒆 𝑭𝒆𝒗𝒆𝒓? I-click lamang ang link na ito: https://rb.gy/46mi4i
Para sa karagdagang paglilinaw o katanungan, maaari kayong magsadya o tumawag sa mga sumusunod:
Department of Agriculture Regional Office
𝗗𝗿. 𝗩𝗶𝗱𝗮 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 (𝗗𝗔-𝗥𝗙𝗢) – 09204953866
City Veterinary Services Department
Calapan City Hall, Brgy. Guinobatan
288-9947
WATCH it on YouTube: https://youtu.be/HMq3S1o7qlo