Ngayong ika-3 ng Nobyembre, dumating sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang (67) 𝑭𝒊𝒆𝒍𝒅 𝑺𝒕𝒂𝒇𝒇 𝑹𝒆𝒔𝒆𝒂𝒓𝒄𝒉𝒆𝒓𝒔 na mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆-𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 (𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗙𝗡𝗥𝗜), para sa kanilang isasagawang “𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒖𝒓𝒗𝒆𝒚 (𝑵𝑵𝑺) 2023-2024” sa Lalawigan ng Oriental Mindoro.
Layunin ng National Nutrition Survey (NNS) na makapagbigay ng empirikal na datos sa nutrisyon at kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino na mahalagang input, para sa pagbuo ng mga patakaran sa nutrisyon, at kalusugan at pagpaplano ng mga programa sa nutrisyon.
Saklaw ng aktibidad na ito ang (10) Munisipalidad, (24) Barangay, at kabuuang (391) Households sa Oriental Mindoro, kung saan kabilang dito ang (9) na Barangay sa Lungsod ng Calapan at inaasahang magsisimula ngayong ika-3, hanggang ika-14 ng Nobyembre.
Sa naturang pagbisita, nakadaupang-palad ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng mga kasapi ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁-𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗠. 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼, 𝗥𝗡 si 𝗠𝘀. 𝗖𝗮𝗿𝗼𝗹 𝗙𝗲 𝗖. 𝗥𝗲𝗽𝗶𝗹 (𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗜𝗜𝗜) at ang iba pa niyang mga kasamahan sa DOST- FNRI na binubuo ng mga 𝑳𝒊𝒄𝒆𝒏𝒔𝒆𝒅 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏𝒊𝒔𝒕-𝑫𝒊𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒂𝒏, 𝑵𝒖𝒓𝒔𝒆𝒔 at 𝑳𝒊𝒄𝒆𝒏𝒔𝒆𝒅 𝑴𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒐𝒍𝒐𝒈𝒊𝒔𝒕, kung saan kabilang din dito ang mga survey aide and supervisors.