Dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑽𝒊𝒓𝒕𝒖𝒂𝒍 𝑫𝒊𝒔𝒄𝒖𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 na ginanap via Zoom, ika-4 ng Setyembre.
Sa virtual discussion na ito, kinilala ang kakayahan ng mga Punong Lungsod sa pagbuo ng mga programa para sa pag-unlad ng kanilang governance at leadership skills.
Dito ay natukoy din ang mga kadalasang isyu sa lokal na pamahalaan, at mga mahahalagang polisiya na maaaring maging adbokasiya ng #M4GG sa tulong ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga organisasyon na maaaring maging katuwang ng samahan.
Matatandaan na kabilang si Mayor Morillo sa higit 100 Punong Lungsod na pumirma sa 𝑴𝒂𝒏𝒊𝒇𝒆𝒔𝒕𝒐 𝒇𝒐𝒓 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆. Layunin ng M4GG na labanan ang korapsyon at isulong ang mga prinsipyo ng mabuting pamamahala.