Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang isinagawang Groundbreaking Ceremony, at Ceremonial Signing of the Blue Print, para sa itatayong 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲, 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲, 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 sa Barangay Ibaba East, Calapan City, nitong ika-31 ng Oktubre.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, kasama ang mga Department & Office Head at Program Managers ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Dumating at nakiisa rin sa mahalagang pagtitipong ito ang mga kasapi ng Calapan City Heritage, Culture, and Arts Building Technical Working Group, 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗶𝗴𝗵𝘄𝗮𝘆𝘀 (𝗗𝗣𝗪𝗛) at 𝗞𝗥𝗘𝗔𝗧𝗶𝗩, sa pangunguna ni 𝗔𝗿𝗰𝗵𝗶𝘁𝗲𝗰𝘁 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗻𝗮 𝗦𝗼𝘁𝗼 𝗝𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻, gayundin ng iba pang mga kinatawang opisyal.
Kaugnay nito, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Butihing Ina ng Lungsod kay 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝗲𝗹 ‘𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔𝗠𝗔𝗡’ 𝗝. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮 na naglaan ng 𝗣𝟳𝟱 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻, bilang inisyal na pondo para rito, gayundin sa Calapan City Tourism, Culture and Arts at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, at sa lahat ng naging katuwang niya, para mabigyang katuparan ang proyektong ito na naglalayong maiangat ang pagbabago sa Lungsod, sa pamamagitan ng pagpapayabong, pangangalaga, at pagpapahalaga sa kultura at sining na pamana ng ating kasaysayan.