Bilang bahagi ng “𝑶𝒄𝒕𝒐𝒃𝒆𝒓 𝑩𝒓𝒆𝒂𝒔𝒕 𝑪𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉”, binigyang daan ang pagsasagawa ng “𝑩𝒓𝒆𝒂𝒔𝒕 𝑪𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓 𝑳𝒆𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆𝒔 & 𝑳𝒂𝒚 𝑭𝒐𝒓𝒖𝒎”, kaugnay sa temang “𝗦𝘂𝘀𝘂-𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘀𝗲𝗿” na dinaluhan ng mga kababaihang Calapeña, ginanap sa Calapan City Health Office, City Hall, nitong ika-29 ng Oktubre.
Nagsilbing Panauhing Tagapagsalita sa naturang lektura sina 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗥𝗼𝗲𝗹 𝗦. 𝗧𝗼𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝗠𝗗, 𝗠𝗕𝗔 (𝗦𝘂𝗿𝗴𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗻𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁), 𝗗𝗿. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗜. 𝗱𝗲𝗹𝗮 𝗣𝗮𝘇 (𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝗴𝗲𝗼𝗻), 𝗗𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗜. 𝗧𝗮𝗻 (𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝗴𝗲𝗼𝗻), 𝗗𝗿. 𝗔𝗯𝗲𝗴𝗮𝗶𝗹 𝗔𝘆𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗚. 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗼𝘀 (𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗻𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁), at 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱𝗼 𝗣. 𝗦𝗶𝗻𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻, 𝗠𝗗, 𝗗𝗣𝗕𝗡𝗖𝗡, 𝗠𝗛𝗔, 𝗙𝗣𝗖𝗦, 𝗙𝗔𝗖𝗦.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang tungkol sa mga sumusunod: Pagbuo at Layunin ng Breast Cancer Support Group, Kasaysayan at Kasalukuyang Estado ng Kanser sa Suso sa Pilipinas, Maagang Pagsusuri at Pamantayang Operasyon ng Kanser sa Suso, at Pag-iwas at Paggamot ng Kanser sa Suso, gayundin ang tungkol sa “𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏: 𝑨 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒐𝒏𝒆𝒏𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓 𝑷𝒓𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏 & 𝑾𝒐𝒖𝒏𝒅 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈”.
Kaugnay nito, nagkaroon din Free Breast Clinic and Examination, Free Breast Biopsy, (FNAB/ Core Needle Biopsy), at Launching of Mindoro Breast Cancer Support Group.
Ito ay pinangasiwaan ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝗴𝗲𝗼𝗻 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 (𝗣𝗦𝗚𝗦-𝗦𝗧𝗖 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢), katuwang ang 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, at 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sa pamamagitan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, sa ilalim ng pamamahala ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, gayundin ng 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 (𝗢𝗠𝗠𝗦)